Noong isang araw ay umattend ako sa Investor's Forum ng PhilEquity. Sa totoo lang, wala akong account sa PhilEquity o Wealth Securities at kaya lang ako nakaattend ay dahil sa isang kaibigan kong nagtatrabaho sa PhilEquity.
Ang event na ito ay ginanap sa Auditorium ng Philippine Stock Exchange at ang mga talagang invited lang ay yung top 200 investors ng PhilEquity. Kaya ayun, puro Intsik na mga nakamamahaling bag at relos at cellphone ang kasama ko. Nakakatawa kasi low battery ang HTC Sensation XE kong cellphone nung araw na yun at ang lumang Nokia 1208 ang gamit ko. Bukod pa dun, nakacasual na damit lang ako. Kumbaga sa isang Hollywood movie, para akong African American sa isang White Party.
Sa mga nakakakilala sa akin at alam kung gaano ako ka-mahiyain ay alam na ang normal na magiging reaksyon ko ay umuwi na lang imbis na isiksik ang sarili ko sa isang kaganapang hindi nababagay sa akin at nagpapalapot ng aking laway. Pero nung araw na yun ay parang sinapian ako ng kakaibang kapal ng muka. Umupo ako sa tabi ng mag-asawang Intsik na nakaLouis Vuitton at Iphone5 na nasa pangatlong row mula sa stage. Keribels.
Isinuot ko ang salamin ko para makita ko ng maigi ang nagsasalita sa harapan at kinalimutan ko ang lahat maliban sa isa, ang aking pagnanais na matuto.
Marami nga akong natutunan. Isa na dun ay ang mga mayayaman talaga ang nagpapatakbo sa mundo. At kahit ilang People Power pa ang gawin natin para patalsikin ang mga corrupt na opisyales ng gobyerno para mabawasan ang kahirapan, hindi sila ang tunay na kalaban.
Sa discussion ay sinabing nakatulong daw sa ekonomiya natin ang eVAT at ang pagpaprivatize ng mga ibang kumpanya ng gobyerno at pati na rin yung pagsasabatas ng Oil Deregulation Law. Lahat ng ito kung unang titignan ay kontra mahirap pero itong baboy na nakakurbata sa harap ko ay sinasabing maganda daw ito para sa ekonomiya. Maganda para sa mga negosyante.
Putangina. Ano? Bigla kong naisip na ano kaya kung pagbabarilin ko yung mga tao dito. Naisip ko kung bakit mga inosenteng sibilyan ang pinagdidiskitahan ng mga rebelde. Hoy mga engot! Eto ang tunay na kalaban.
Lumipad ang isip ko ng mga ilang minuto at bumalik ulit ako sa tamang huwisyo. Wala e. Ito na talaga ang sistema. Sadyang bayani nga talaga ang masa. Sila ang sumasalo ng lahat ng mga kagaguhan ng mundo.
Dapat ba akong maging si Bonifacio o si Rizal. Si Bonifacio na iwinaksi ang sistema at lumaban mula sa labas, o si Rizal na pinagaralan ang sistema at winasak ito sa mula sa loob. Sa totoo lang pareho silang namatay kaya kahit ano pa ang piliin ko ay pareho rin lang ang kahahantungan.
Sadyang malakas ang agos na ito para labanan ng isang maliit na isdang tulad ko.