Wednesday, October 24, 2012

Not Fair

He could say whatever he want about me, I have just one thing to say about him..



>:)

Friday, October 19, 2012

Sa Wakas






Tinapos ko na ang walong taon kong relasyon sa aking boyfriend na ngayon ay matatawag ko ng ex. Bakit? Paano? Mahabang kwento. Ang mahalaga, malaya na ako.
 
Sa tingin ko ito na yata ang isa sa pinakamagandang desisyon na nagawa ko sa buhay ko. Sa totoo lang, imbis na bumigat ang pakiramdam ko ay kabaligtaran ang nangyare. Para akong tumae ng madami pagkatapos kong maconstipate ng isang linggo. Ang gaan, ang saya, ang sarap.

Minsan iniisip ko kung pinapaniwala ko lang ang sarili ko na hindi ako nasasaktan, pero hindi e. Hindi talaga. Siguro kung may lungkot man akong nararamdaman, yun ay dahil sinayang ko ang walong taon ng buhay ko sa maling tao.
 
Yun na lang, wala na akong masasabi sa break up na ito. Ayoko siyang isumpa at hilingin sa lahat ng pwersa sa mundo na makapangasawa siya ng panget ngayon.  Baka bukas na.

Madami akong natutunan. Ang pinakamahalagang ay "Dapat ipakilala sa magulang at sa mga kaibigan ang iyong magiging karelasyon. Kasi kung ayaw niya dahil masyado siyang "cool" para makisama at makihalubilo sa mga ibang mahal mo sa buhay, may mali sa kanya."



Monday, October 8, 2012

Chining

Tanda ko pa noon, ikaw ang pantasya
Ng bawat lalaki sa ating probinsya
Pagkat ikaw ay laging may libreng passes sa sinehan
Kung saan ikaw dati ay namamasukan

Mapintog na dibdib at makinis na binti
Ikaw ang pangarap kong maging sa aking paglaki
Ikaw ang palaging pinaguusapan ng mga lasing
Ngunit asan na ngayon ang iyong ningning

Namumuting buhok at kulubot na balat
Malamlam na mata at mga kamay na sa pera ay salat
Bitbit ang isang sanggol na iyak ng iyak
Wala na ang lahat ng iyong halimuyak

Ang Pamamaalam ng Ninja

Paunawa: Basahin muna ang kwento ng Ang Tulog na Ninja para mas maintindihan ang kwentong ito. Sa totoo lang Part 3 na nga dapat ito ng kwento ng magkasintahang Ninja pero nabura na sa mundo kasabay ng Rakista.com v1 Blogs yung Part 2 na may pamagat na Ang Pagod na Ninja.


Sa lupain ng alatires, duhat at mga ninjang tagapagligtas ay panahon na naman ng mga basang kili kili. Dumudungaw na ang haring araw upang maghasik na muli ng asim, ngunit kahit pinupunit na ng kanyang sinag ang kadiliman ay waring gabi pa din sa aking isipan.

Habang nakahiga sa madamong parang ay nagninilay ako kung tama ba ang ginawa kong paglisan sa apat na sulok ng mundong kumulong sa atin mula sa malupit na mundo. Ang kwartong nagbigay sa atin ng huwad na ligaya sa loob ng maraming taon.

Ang lawa na parang ating lababo, pero walang di nahugasang mga pinggan at kaldero. Ang ulap na parang ating kisame ngunit walang agiw at pumipilatak na butiki. Isang kakaibang mundo ang kinalalagyan ko. 

Hindi ako makahinga.

Baka mali, baka dapat na akong bumalik sa dating gawi. Baka hindi naman talaga ako para sa malawak na mundong ito.

Pero bakit kailangan kong mamili. Bakit hindi pwedeng makasama kitang maglambitin sa mga puno at magtampisaw sa batis at makipagpatintero sa mga alitaptap. Andami kong tanong kahit alam ko naman ang sagot.

Dahil hindi naman ako isang prinsesa.

Dahil isa akong babaeng ninja. Pero kahit ganon, gusto ko din naman na maramdaman kung paano mailigtas. Patawad dahil kagaya rin pala nila ako. Nakakapagod na kasing lumaban.
Minsan gusto rin ng ninjang ito na maupo muna at suklayin ang mahaba nyang buhok na matagal ng nakatali.

Wednesday, October 3, 2012

Halloween 2012


Ever since I heard of this different kind of fun run a.k.a. Outbreak, I have always wanted to join. It is like my Resident Evil and Plants vs Zombies dream come true! But like my other gala ideas, my desire to join Outbreak Nuvali and Outbreak BGC had been extinguished by my lack of companion.

Good thing my puberty peaking cousin is so eager to join the third outbreak that she actually pursued me to pay for half of her registration fee. This is actually the most expensive Outbreak to date but wth, I don't mind paying extra as long as I get to experience the fun of being chased by Zombies! Our uncle, who is a running addict, also joined us as well.

So I went to Runnr ATC last Monday 10/1 and registered the three of us for Outbreak EK on Halloween 10/31 for Wave 08 7:40 PM. Yay! I can't wait! I originally wanted to be a Zombie so I could go all out on the costume but the Zombie application is closed to the public for this third Outbreak.. :(

Oh well, its hard to think of a remarkable costume that would still allow me to run fast. My cousin said she is going as she is, but not me! I am going to dress up and put extra effort. After all, what is Halloween without a costume! Now what should I be? I need ideas. Hmmm...

Saturday, September 22, 2012

Happily Ever After




True love is when there is nothing to love in a person but you still do.

This movie's main character is a poor girl named Yukie, who is looking for happiness that life deprived of her since she was a kid. The story is about true friendship, enduring love, and forgiving family. No special effects except for the slow motion table tipping scenes by Yukie's darling, Isao. 

This is the best movie I've seen since Homerun by Jack Neo. I was crying all through out the movie because I could very well relate to it. A poor girl who was abandoned by her mother, left to an irresponsible father, in a relationship with an unemployed guy and is searching for happiness. That sounds like the story of my life. 

If you are a Twilight fan and a Hollywood chick flick fanatic, this would not be a good movie for you. The kind of relationship that Yukie and Isao have is the type that not many people understand unless they go through it. This is not the candy coated prince charming damsel in distress type, I could very well attest that this love story happens in real life. An imperfect love between two imperfect people.

I would like my single hopeless romantic friends (which is about 90% of them) to watch this movie and see what I am telling them for so long. That love is not like those Disney princess fairy tales, it would most often than not hurt you and give you something to complain about. But that is what makes love so great, you stay no matter what because you see what other people do not see.

And before I forget, the main plot of this story (as title implies) is really about Happiness. As how I interpret the ending, it shows that we do not have to look far to be happy, we just have to look around and realize that we are loved. That our happiness should not depend on the presence or absence of something. Happiness has always been given to us, we just could not see it because we are grasping it too tightly in our hands.

Lastly, Yukie learned that the meaning of her name is "happiness will be yours forever" and she lived happily ever after.



Monday, September 17, 2012

Nilagang Mani Syndrome


Try it, Believe it.


Bumili ako ng isang plastik ng mani na halagang sampung piso noong Linggo bago ako umuwi dito sa apartment. Habang nginangasab ko ang nasabing nilagang mani at lumalanghap ng sariwang hangin sa cyberspace ay biglang kong napansin na ang bawat piraso ng mani ay iba iba. May malaking basa, tuyot na maliit, malaking balat pero maliit ang laman, may siksik na siksik at namumutok ang laman, may madaling buksan, may marupok na balat, may maalat, may nakakatinga. Ewan ko kung nakapansin ka na ng ganitong espesyal na katangian sa isang chocolate box, pero masasabi kong sa mani, OO. Dahil bawat mani ay natatangi.

Monday, August 27, 2012

Be You

So at first I thought my life was a waste and that there is no hope for me because I wanted to travel but my job is not the traveling kind of job, but then I was introduced to Chyng Reyes. An ECE who also works in the IT industry but still manages to travel to different parts of the country and the world. And because of her, my Dora The Exploradora hopes was redeemed.

Then, I came across this very informative website of Foreclosure Philippines and I have been reading it for these past few days. I learned how attainable it is to be a real estate investor if only one will put an effort in it. Jay Castillo is the one who runs that awesome website and he gives pretty good tips for noobs. Afterwards, I realized that I also want to invest in real estate and that same feeling of dismay showed itself to me again because I felt like I am doing the job that is not made for the things I like and the things that I have knowledge of. Then, I stumbled at one of his comments in his articles saying he was an I.T. graduate. Wow. 

Another person from my industry who is doing what he wants to do even if his specialization in college has nothing to do with it.

Lesson of the Story:
Do not let your past define your future, just do what you want to do, NOW.


Saturday, August 4, 2012

Indak

Nitong mga nakakaraang araw ay sinusubukan kong bumuo ng maikling kwento tungkol sa aking buhay pag-ibig pero di ako makasulat ng maigi. Naumpisahan ko na pero hindi ako makahanap ng katapusan, siguro dahil na rin sa kawalan ng inspirasyon. 
Tapos ngayong araw ay ginoogle ko ang mga kanta ng Up Dharma Down dahil papanuorin namin sila sa 19 East bukas at natagpuan ko nga itong kantang ito. Indak ng bandang Up Dharma Down. Isang bagay lang ang naisip ko nung narinig ko ang kabuuan ng kantang ito, SAKTO.

Para sa mga taong magkatunggali ang puso at isipan.

Indak 
Up Dharma Down



Tatakbo at gagalaw
Mag-iisip kung dapat bang bumitaw
Kulang na lang, atakihin
Ang pag-hinga'y nabibitin

Ang dahilang alam mo na
Kahit ano pang sabihin nila
Tayong dalawa lamang ang makakaalam
Ngunit ako ngayo'y naguguluhan

Makikinig ba ako
Sa aking isip na dati pa namang magulo?
O iindak na lamang
Sa tibok ng puso mo

At aasahan ko na lamang na
Hindi mo aapakan ang aking mga paa
Pipikit na lamang at mag-sasayaw
Habang nanonood siya...


Paalis at pabalik
May baong yakap at suklian ng halik
Mag-papaalam at mag-sisisi
Habang papiglas ka ako sayo ay tatabi

Tayong dalawa lamang ang nakaka-alam
Ngunit hindi na matanto kung sino nga ba ang pag-bibigyan ko
Makikinig nga ba sa isipan na alam ang wasto

Ngunit pipigilan ang pag-ibig nya na totoo

Iindak na lamang ba sa tibok ng puso mo
At aasahan ko hindi nya lamang aapakan ang aking mga paa
Pipikit na lamang at mag-sasaya

Habang nalulungkot ka
Pipikit na lamang at mag-sasaya
Habang nalulungkot ka

Ako'y Litong-lito
Tulungan niyo ako
Di ko na alam
Kung sino pang aking pagbibigyan oh

Ayoko na ng ganito
Ako ay litong-lito

Wednesday, August 1, 2012

Ang Tulog na Ninja

I used to write short stories and poems when I was young and carefree. This is one of my favorite composition because it has the most solid story line and I have written this on the peak of my young love. Writing this was a breeze because it felt like I was possessed by a really strong feeling and words come out naturally. Unfortunately, I haven't felt that strong feeling, or any strong emotion for that matter, in a long time. Imo, people are most creative in their late teens and early 20s. Anyways, below is the story of a sleeping ninja that I decided to post here so it wont be lost forever just in case Ridz of rakista.com decides to finally delete the old rakista.com site, like what happened to the rakista blogs site. The deletion of rakista blogs is like having the late teens and early 20s part of my life erased. There is even a part 2 to this ninja story but it already got deleted along with my rakista blog. Lesson: pick a stable blog hosting site.

Ang Tulog na Ninja

First posted at rakista.com version 1

Ang sikat ng araw ay nagapi na ng kadiliman, ang buong kalangitan ay nababalot na ng mga bituin at ang hangin ay nagdudulot na ng nakakapasong lamig. Mula sa bintana ng maliit na kwartong aking kinaroroonan ay wala nang maaaninag na liwanag sa parang. Marahil ay namamahinga na din ang mga diwatang naninirahan sa puno ng alatires. Ang bawat ninja ay kapiling na ang kanikanilang mga prinsesa.. At ako, kasama kita.

Pumilatak si kaibigang butiki na namamahay sa ilalim ng mesang kainan. Napansin ko tuloy na nakatengga pa ang kalderong pinaglutuan ng ginataang duhat kanina. Kay rami mong nakain kaya siguro ikaw ay agad na nahimbing.

Lumigid ang aking paningin na wariý kinakabisado ang bawat bagay, bawat marka, bawat agiw at bawat alaala na napapaloob sa kwartong ito. Hanggang sa kahit anong pigil ay nabaling ang aking tingin sa iyo. Tulog na tulog ka at parang walang pakialam sa mundo at sa taong kasama mo. Lumapit ako sa gilid ng iyong kama at sumalampak sa sahig upang makapwesto sa posisyong aking matatanaw ang iyong mukha ng pinakamalapit. Tinitigan kita at matapos ang ilang sandali ay dagliang nagbalik sa aking diwa ang nakaraan.

Sa pagkakatitig ay hindi na lang ang nakapikit mong mga mata ang nakikita. Itoy wariý naging isang telebisyong ang palabas ay ang ating nakaraang kay saya. Napapanuod ko ang tagpo kung saan, isang hapon, tayo ay nangongolekta ng sabila upang ilako sa kapitolyo.. At ang aking
pinagtataka ay tuwing kasama kita, kay halimuyak ng sabila. Waring nagbibigay ito ng kakaibang sigla, kaya siguro marami tayo noong mga suki galing India. Nalipat ang channel at ang tagpo na pumalit ay ang pangyayari kung san hinambalos ako ni Aling Tinay. Pinagtawanan ko daw kasi siya nang nadapa siya at natapon ang pinamili niyang pagkain ni Lesdi[alaga niyang isda]. Hindi ko naman talaga siya pinagtatawanan e, hindi niya alam na ang mga ngiting iyon ay dahil sabay na tayong nanunuod ng Dora. Nalipat muli ang istasyon, mukhang komersyal ata ng Tide pero wala si Tolits, malamang Ariel o baka Pride.. Hindi ko masigurado, puro mantsa kasi ang mga damit ng mga tauhan.. at.. at.. hayun pala tayo. Kakatapos lang magpagulong gulong sa burol n wariý
mga bata. Wala tayong pakialam sa mantsa bastat tayoy masaya at humahalakhak. At sa taas ng burol ay may piknik basket na puno ng KFC at mga pagkaing mula sa martir na manok. Hayan.. hayan nalilipat na naman.

Nagbalik ang tanawin sa iyong mga matang nakapinid at hilik na kay himbing.

Akoy biglang nakaramdam ng kakaibang hinaing mula sa pusong nais maglambing.. Ngunit hindi nararapat.. hindi tama.. hindi ngayon.. Upang mapawi ang nararamdaman ay muli kong niligid ang aking tanaw sa maliit na kwartong saksi sa atin. Kinakabisado ang bawat bagay, bawat marka, bawat agiw, at bawat alaala na napapaloob sa apat na sulok ng kwartong ito. Nagsisikip na ang aking dibdib ngunit tahimik pa din akong nakaupo sa tabi mo.

Gusto kong sabihing aalis na ako at marahil ay hindi na tayo muling magkikita pa pagkat hindi tama ito. Hindi pinahihintulutan ng hokage ang mayroon tayo. Ang bawat sandaling kasama ka ay takas na mga oras at alam kong iyon ay tumitigib sa iyong damdamin. Dahil hindi kita kayang ipaglaban, dahil ganito ang sitwasyon ko, at alam kong nahihirapan ka na at pagod na rin ako. Hindi ko kayang nasasaktan ka tuwing wala ako kapag kailangan mo at naririyan lamang ako sa iyong tabi kung kailan ako pupwedeng makatakas sa nagluwal. Pero hindi na lang siguro, lilisan na lamang ako at pagdilat mo ay wala na ako. Mas masakit kasi kung magpapaalam pa. Ayokong makita mong tumulo ang aking mga luha. Para kahit sa huling pagkakataon ay isipin mong matatag din naman ako kahit paano. Alam kong makakahanap ka din ng higit sa tulad ko. Yung
kaya kang pangalagaan at pasiyahin sa lahat ng oras na naisin mo.

Nangingilid ang luha sa aking mga mata, at nang maisipan kong tumayo na ay parang naging bakal ang aking buong katawan. Kahit anong pumilit kong gumalaw ay hindi ko magawa. Bawat pumiglas ay umuubos sa aking lakas. Sa gitna ng pagpupumilit na makaalpas sa pagkakatuod ay napansin kong ikay naalipungatan. Sa iyong pagdilat at sa pagtama ng ating mga paningin ay biglang nagbalik sa katinuan ang aking balintataw. Ano ba itong aking naiisip.. Bakit nga ba ako lalayo sa tangi kong ligaya, sa tanging dahilan ng pagharap ko sa bagong umaga, sa aking buhay na
kayamanan.
Aalagaan kita, poprotektahan, at mapapasaya. Ipaglalaban kita hanggat may hininga. Maiintindihan din nila ang mayron tayo.

Lalo pa akong natauhan ng iyong ipamalas ang pinakamatamis na ngiti, na kahit bagong gising ay puno pa rin ng sigla. "Malayo pa ang umaga, sige matulog ka pa". "e bakit ikaw gising ka pa? Tara dito sa tabi ko at matulog na tayo". Hawak mo ang aking kamay habang dahan dahang tinutungo ng aking sentido ang unan mo at dinama ng aking paa ang nisnis ng iyong kumot.
"Tulog ka na muli, tulog na din ako".. Sa unti unti kong paghugot ng himbing ay baon ko ang alingawngaw ng iyong hilik, ang alaala ng iyong pagkakapikit at ang pangarap na
habambuhay ay bantayan kang umidlip..