Try it, Believe it.
Bumili ako ng isang plastik ng mani na halagang sampung piso noong Linggo bago ako umuwi dito sa apartment. Habang nginangasab ko ang nasabing nilagang mani at lumalanghap ng sariwang hangin sa cyberspace ay biglang kong napansin na ang bawat piraso ng mani ay iba iba. May malaking basa, tuyot na maliit, malaking balat pero maliit ang laman, may siksik na siksik at namumutok ang laman, may madaling buksan, may marupok na balat, may maalat, may nakakatinga. Ewan ko kung nakapansin ka na ng ganitong espesyal na katangian sa isang chocolate box, pero masasabi kong sa mani, OO. Dahil bawat mani ay natatangi.
No comments:
Post a Comment