Saturday, August 4, 2012

Indak

Nitong mga nakakaraang araw ay sinusubukan kong bumuo ng maikling kwento tungkol sa aking buhay pag-ibig pero di ako makasulat ng maigi. Naumpisahan ko na pero hindi ako makahanap ng katapusan, siguro dahil na rin sa kawalan ng inspirasyon. 
Tapos ngayong araw ay ginoogle ko ang mga kanta ng Up Dharma Down dahil papanuorin namin sila sa 19 East bukas at natagpuan ko nga itong kantang ito. Indak ng bandang Up Dharma Down. Isang bagay lang ang naisip ko nung narinig ko ang kabuuan ng kantang ito, SAKTO.

Para sa mga taong magkatunggali ang puso at isipan.

Indak 
Up Dharma Down



Tatakbo at gagalaw
Mag-iisip kung dapat bang bumitaw
Kulang na lang, atakihin
Ang pag-hinga'y nabibitin

Ang dahilang alam mo na
Kahit ano pang sabihin nila
Tayong dalawa lamang ang makakaalam
Ngunit ako ngayo'y naguguluhan

Makikinig ba ako
Sa aking isip na dati pa namang magulo?
O iindak na lamang
Sa tibok ng puso mo

At aasahan ko na lamang na
Hindi mo aapakan ang aking mga paa
Pipikit na lamang at mag-sasayaw
Habang nanonood siya...


Paalis at pabalik
May baong yakap at suklian ng halik
Mag-papaalam at mag-sisisi
Habang papiglas ka ako sayo ay tatabi

Tayong dalawa lamang ang nakaka-alam
Ngunit hindi na matanto kung sino nga ba ang pag-bibigyan ko
Makikinig nga ba sa isipan na alam ang wasto

Ngunit pipigilan ang pag-ibig nya na totoo

Iindak na lamang ba sa tibok ng puso mo
At aasahan ko hindi nya lamang aapakan ang aking mga paa
Pipikit na lamang at mag-sasaya

Habang nalulungkot ka
Pipikit na lamang at mag-sasaya
Habang nalulungkot ka

Ako'y Litong-lito
Tulungan niyo ako
Di ko na alam
Kung sino pang aking pagbibigyan oh

Ayoko na ng ganito
Ako ay litong-lito

1 comment:

  1. wow ang ganda ng meaning ng kanta, ang galing talaga ng up dharma down...

    ReplyDelete