Saturday, November 17, 2012

Pulpul Pulitika

"Kahit saan ka mapunta, kahit maliit o malaking kumpanya, may pulitika. Ang dapat mong matutunan ay kung pano sumakay at makipaglaro sa agos."

Yan ang payong nakuha ko mula sa isang katrabahong kaibigan nung sinabi ko sa kanya na sawa na ako sa Corporate Bullshit. Sa totoo lang hindi ko gusto ang sinabi nya pero batid ko sa isip ko na may katotohanan ito.

Naisip ko, totoo nga ba? Wala na nga bang ibang paraan kundi lunukin ang pulitika. Kaya nga ba ang pangarap ko ay manirahan sa isang bundok sa New Zealand na magisa. Ako ang magtatanim ng sarili kong pagkain, gagawa ng sarili kong bahay, iigib ng sarili kong pampaligo, gagawa ng sarili kong keso, maglililok ng sarili kong sapatos at bahala na ang mundo na maghukay sa sarili kong puntod. Tingin ko mas magiging masaya ako dun.

Nakakasuka na kasi ang ginagawa ng mga tao para lang umangat sila kaysa sa ibang tao. Tunay ngang ang tao ang pinakadelikadong nilalang sa mundo.

Hindi, hindi ako papayag na malunod sa pagpapaalipin. Hindi kailanman. Masyadong mainam ang ipinagkaloob sakin na utak para gawin ko iyon. At ito ang pag-asa ko. Kitakits sa KCON Business Stream!


 

No comments:

Post a Comment