Noong isang araw nanakam ako sa mga kantang sumikat nung 2004. At ang unang kantang naisip ko ay ang Lunes ng Spongecola. Lunes din kasi nung araw na yun. Tapos naalala ko na yung CD pala ng spongecola ang regalo ko sa kanya nung una naming mansari. Tapos dahil Lunes at gusto kong saktan pa lalo ang sarili ko ay pinakinggan ko sa Youtube ng paulit-ulit ang mga kanta sa album na Palabas. Ang ganda ng lyrics ng mga kanta sa album na ito. Hanep. Parang mga tulang sinaliwan ng musika.
Hindi ko na nasubaybayan ang Spongecola matapos nilang maging sobrang sikat, pero hindi ko na sila masyadong naririnig ngayon. Pati na rin ang iba pang mga bandang nagumpisang sumikat noong 2004. Matapos ang walong taon, may mga ilan na nanjan pa rin pero hindi na kasing husay ng mga kanta nila dati yung mga inaawit nila ngayon. Marahil ay tuyo na ang kanilang bukal, ang bukal na unti unting inuubos ng pagkamulat sa buhay, responsibilidad at pagtanda.
Ngunit kahit wala ng mapiga sa dating umaapaw na bukal, ang bukal ay nanjan pa din. Pwedeng balikbalikan upang sariwain ang masayang ningning ng nakaraan.
No comments:
Post a Comment