Lunch: Wendy's Big Macaroni Salad |
Dinner: Left over lunch, Ripe Mangoes and Watermelon |
Alam mo yung matagal kang hindi nag exercise ng todo todo tapos bigla kang tumakbo ng more than 30 minutes kaya nabatak ang mga muscles mo tapos natulog ka at paggising mo ay hindi ka na makatayo dahil ansakit ng katawan mo. Yan ang naramdaman ko kanina pagkagising ko pero dahil sa impluwensya ng mga finafollow kong fitness blogs sa Tumblr ay bumangon nga ako at tumakbo ulit. Sa pagkakataong ito, nakamahigit na limang ikot ako sa paligid ng SM Southmall. Hindi ko nga lang nabilang kung ilan kasi nagcoconcentrate ako na hindi himatayin dahil sa sobrang pagtakbo. Hehe. Ramdam ko ang mga ugat kong nanginginig habang tumatakbo. Hanep! I feel like a real runner that is pushing myself to the limits.. Echos!
Pero grabe ansarap tumakbo at pagpawisan at masikatan ng araw. Ito yata yung tinatawag nilang natural endorphin. Kahit pa hindi mamahalin ang sapatos ko, hindi katulad ng mga nakakasabay kong tumakbo na halos mga nakaNike Free lahat, kahit pa lumang Nike na nabili ko noon 2009 lang ang suot ko, ok lang kasi wala naman sa sapatos yan, nasa pagnanais mong maging healthy. =)
Hindi na ako nakapagpicture ng sarili ko na kasing dramatic ang pose katulad nung previous post ko kasi nagmamadali na akong nagbihis para makakain na ako dahil nagugutom na ako (hehe) kaya ayan, pinost ko na lang yung kinain ko kahapon.
Sabi nga nila, it's not a phase, it is a lifestyle. =)
At bilang pasasalamat at pagkilala sa kanila, ito nga pala yung mga encouraging na mga Tumblr health blogs na finafollow ko:
I am sure after browsing through those blogs, seeing the different ways that you could do to be healthy and seeing all those abs and rocking bodies, maiinspire ka talaga na magpakahealthy.
No comments:
Post a Comment