Tuesday, June 12, 2012

Kalayaan 2012

Kagabi ay nakatanggap ako ng email mula sa isang employer sa Doha, Qatar. May job opening sa posisyon ng Desktop Support Specialist sa kumpanyang Halian na nakabase sa bansa na mura ang langis. Nang mabasa ko ang email na ito ay minessage ko agad ang tito ko na kasalukuyang nakatira at nagtatrabaho sa Qatar. Naexcite din siya kaya tinawagan niya pa ako at niresearch pa nila ng tita ko ang kumpanyang Halian. 

Pag-asa. Nakalagay kasi sa job description na magiinstall sa mga desktop. Naalala ko ang trabaho ko sa Land Bank. Naisip ko na baka sakaling sa trabahong ito ay magkaron ulit ako ng chansang makapagbyahe byahe. O kaya kung mataas ang sweldo ko ay magkaron ako ng sapat na pera para makapamasyal sa Europe kasi yun talaga ang pangarap ko sa buhay. Ang malibot ang buong mundo.

Naisip ko din na seryosohin na ang pagaapply ng migration sa New Zealand. Balak ko nga na mag-aral para sa IELTS exam at makapasa bago matapos ang taong ito at kumuha ng Masteral ng IT sa La Salle sa 2013.
Kaso sa pagkakandarapa kong makaalis ng bansa ay natisod ako sa isang blog entry mula sa mas bata kong sarili. Saktong dalawang taon na ang nakakalipas ay naisulat ko ito:

At kahit marumi na ang pangmasang imahen ni Sharon Cuneta at pati na rin ni KC Concepcion. Tama nga naman, dahil kagaya ng kaligayahan, ang kalayaan ay para sa lahat ng mga taong pumipili dito. 

Alam naman nating lahat na alipin tayo ng iba't ibang ehemplo ng lipunan pero nasa sa atin kung pipiliin ba nating tayuan ng DMCI homes ang ating mga puntod o umalpas sa kamangmangan at kahirapan na ipinamana sa atin ng nakaraan henerasyon.

Hindi ko alam kung saan nangggaling yung mga ideya ko sa huling paragraph. Kung paanong ang paghahanap ng trabaho sa ibang bansa ay napunta sa DMCI homes pero ang alam ko, panalo talaga dapat si Pacquiao laban kay Bradley.



No comments:

Post a Comment