Thursday, March 29, 2012

Hello World


Yang lalaking yan ay isa sa friend ko sa Facebook at kasalukuyan siyang gumagala sa Europe. Bukod sa kanya, marami pa akong ibang Friends sa Facebook na gumagala sa mundo. Naisip ko na.. Wow! Bigatin ang mga kaibigan ko. Hindi, actually ang una ko talagang naisip ay.. Alam mo yung inggit. Ako yun.

Kaya ayan, panay ang apply ko sa kung saan saang kumpanya sa ibang bansa pero wala namang magkainteres sa akin. O kamown world! I am a mothafappin CCNP.

"Pfft. E ano ngayon kung CCNP ka, sandamakmak na din naman ang CCNP sa mundo."

Sa totoo lang, nakalimutan ko na lahat ng natutunan ko sa Routing at Switching. Sa totoo lang hindi ko naman talaga ito gusto. Sa totoo lang, hindi ko alam ang gusto ko. 
Kaya sana Bro, gusto kong pumunta sa malayong lugar para makapagisip isip. Hindi ko kasi mabuo ang pangarap ko sa apat na sulok ng kwarto ko, baka kapag sa tapat ng Eiffel Tower ako nagisip, marealize ko siya. Please Bro. :D

Wednesday, March 28, 2012

A Road to Everywhere

"If you don't know where you're going, any road will take you there." - Lewis Caroll, Alice in Wonderland

I just changed the layout of this blog to something that truly represents me, an eager wanderer in this journey of life.


Wednesday, March 14, 2012

Singapura

"Traveling is not a matter of money but of courage." - Paulo Coelho, Aleph

Singapore, marami sa mga Pilipino ang nangangarap na makapagtrabaho sa bansang ito. Kasi daw ay malinis, malaki ang sweldo, at mura ang mga gadgets. Totoo nga naman, nung pumunta ako sa lugar na ito ay nakakamangha ang linis ng lugar na ito. Walang mga buhol buhol na kable ng kuryente, walang mga kakalat kalat na aso, walang trapik, walang pinapawisan, walang mga bobong MMDA at walang mga lalaking malalaki ang tiyan na nakahubad ang tshirt. Kahit saan ka maglabas ng Iphone ok lang kasi siguradong hindi mananakaw. Ibang klase din ang paggawa ng mga daan, isang araw lang tapos na. Hanep. 

Pero ewan ko ba kung bakit hindi napukaw ng bansang ito ang puso ko. Parang kasing malungkot ang mga tao. Hindi ko alam kung bakit pero parang lahat nagmamadali. Ang mga ngingiti lang sayo ay yung mga Pilipino din. 

Naisip ko na sa ibang bansa na lang ako maghahanap ng trabaho. Ewan ko ba pero hindi talaga ako mahilig sa mga modernong bagay. Ayos lang sakin ang mamuhay ng simple at hindi masyadong komplikado basta masaya at may malinis na banyo.


It's More Fun in the Philippines

So I just came back from Singapore and I was whining about how I didn't really enjoy my trip despite the unusual cleanliness and modern living in SG. I am complaining about the food, the long walks, how the people smell, the unfriendly locals, And then I found this video that taught me a couple of things..




Some of his points are true, but most are exaggerated. Bottom line is that every country and culture has its downside.

Friday, March 2, 2012

An Early Morning Jog

It has been a while since I run/jog my ass off so today I decided to break a sweat. Good thing I am living near an SM Supermall so there is an ample sized parking lot that I could use for running. So at 6:00 AM , together with other sweaters, I run lapses around SM. I love free things and I am not a fan of expensive gym memberships so this cheap but effective workout does the trick. I alternately ran and walk, well, mostly walk cause I don't want to pass out if I push it too hard. Nangangalawang na ako e, so I have to build my endurance again. I did that for one hour and since I haven't had my breakfast, I already feel dizzy. Plus the fact that I didn't brought a bottle of water, I felt dehydrated too so I decided to go home. 

I really prefer running in the afternoon cause the temperature gets colder so I could run for as long as I want and I don't feel hungry that fast. Oh well, it is good getting healthy again. I love the after-exercise-glow. Anyways, I bought these for my breakfast. I am not sure of the calorie or carb content of these but I am not the type who stress my self with things I eat. It may be a bad thing but hey, it works for me. I just try to avoid fast food and keep everything in moderation.


Puto, Sapin-sapin and Saging na saba