"Traveling is not a matter of money but of courage." - Paulo Coelho, Aleph
Singapore, marami sa mga Pilipino ang nangangarap na makapagtrabaho sa bansang ito. Kasi daw ay malinis, malaki ang sweldo, at mura ang mga gadgets. Totoo nga naman, nung pumunta ako sa lugar na ito ay nakakamangha ang linis ng lugar na ito. Walang mga buhol buhol na kable ng kuryente, walang mga kakalat kalat na aso, walang trapik, walang pinapawisan, walang mga bobong MMDA at walang mga lalaking malalaki ang tiyan na nakahubad ang tshirt. Kahit saan ka maglabas ng Iphone ok lang kasi siguradong hindi mananakaw. Ibang klase din ang paggawa ng mga daan, isang araw lang tapos na. Hanep.
Pero ewan ko ba kung bakit hindi napukaw ng bansang ito ang puso ko. Parang kasing malungkot ang mga tao. Hindi ko alam kung bakit pero parang lahat nagmamadali. Ang mga ngingiti lang sayo ay yung mga Pilipino din.
Naisip ko na sa ibang bansa na lang ako maghahanap ng trabaho. Ewan ko ba pero hindi talaga ako mahilig sa mga modernong bagay. Ayos lang sakin ang mamuhay ng simple at hindi masyadong komplikado basta masaya at may malinis na banyo.
No comments:
Post a Comment