Tuesday, January 31, 2012

ITIL v3 Foundation Experience

Something I wrote a year ago when I had my very first Industry Certification.

Kahapon ay pumasa ako sa ITIL v3 certification exam at habang papauwi na ako at masayang naglalakad sa may Recto ay napansin ko ang mga batang gusgusin na naglalaro sa daan, ang mga iskwater sa may LRT, ang sandamakmak na basura sa paligid, ang maitim na usok mula sa mga sasakyang nagkukumpulan dahil sa trapik. Naisip ko kung ano ba ang naitulong nung ginawa ko. Ganun pa rin naman ang lahat bukod sa isang piraso na papel ng kalukohan na hawak ko. At naisip ko yung nakalagay sa ilalim ng litrato ko sa yearbook ko nung highschool. Hindi abugado, doktor, engineer o feng shui expert kundi, "To make a big difference". Yan ang gusto kong gawin pagtanda ko. Naisip ko kung tama ba ang landas na aking tinatahak. At naisip ko kung mababago ko ba ang mundo sa ginagawa ko, sa walang humpay na pagaaral, pagkita, paggastos at pagkamatay. At sa aking pagiisip ay nakita ko yung mga itlog na kulay orange na pinagkakaguluhan ng mga estudyante ng FEU at pagkatapos ay naisip kong gutom na ako. Bow.



No comments:

Post a Comment