Monday, December 26, 2011

Bente Singko


Limang araw pagkatapos madagdagan ng isa na namang taon ang aking edad ay naisip kong dapat pala ay naghanda ako ng kung ano mang espesyal nung araw na yun. Una, para may maipost ako sa facebook at ikalawa, para sikat ako sa mga friends ko. Siguro isa pa, dahil sa opisyal na akong "tumatanda". Ageing, ibig sabihin kumukulubot ang balat, napapanot, at humihina ang mga internal organs. Nagsisimula daw kasi iyon sa edad na 25 ayon sa commercial ng Ponds.

Tapos bigla akong napaisip.

Ay pota, tumatanda na ako, baka bukas mamatay na ako. Masasabi ko bang masaya ang buhay ko? Nagawa ko na ba yung mga bagay na gusto kong gawin? Yung mga bagay na pinapangarap ko, yung mga bagay na magpapasaya sakin? 
Hindi. Hindi pa lahat. Actually wala pa nga sa kalahati kaya eto.

Ang pangatlong blog na sisimulan ko para sa "paghahanap ng kasiyahan". Katulad ng pagenter ng password, sana sa ikatlong subok na ito ay tumama na ako. Kasi baka malockout na ako mula sa kasiyahan ng buhay pag hindi pa din. Naway matagpuan ko na ang tunay kong ligaya. Tara, sama ka.


No comments:

Post a Comment